Murder case vs Ramona pinababaligtad sa DOJ

PINABABALIGTAD ng kampo ni Ramona Bautista ang naunang resolusyon ng Paranaque Office na nag-uutos ng pagsasampa ng kasong murder laban sa kanya.

Batay sa inihaing petition for review ng abogado ni Baustista na si Atty. Jeffrey Gepte, hiniling nito sa Department of Justice (DOJ) na baligtarin ang kanyang kasong murder sa pagkamatay ng kanyang kapatid na si Ramgen Bautista.

Ayon kay Gepte, umaasa silang papanigan ng DOJ ang kanilang petisyon dahil hindi naman umano kapani-paniwala ang mga testimonya ng mga tumatayong testigo sa krimen na sina Glaiza Visda, Norwin dela Cruz at Ruel Puzon.

Hangang sa ngayon aniya ay naninindigan si Ramona na wala itong naging partisipasyon o kinalaman sa pagkamatay ng kanyang kapatid.

Kinumpirma naman ni Gepte na kasalukuyan pa ring nasa Turkey si Ramona at hindi pa alam kung kailan ito uuwi ng Pilipinas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply