Na-trauma sa MMFF… Mother Lily lie low muna sa paggawa ng pelikula

DAHIL sa sunud-sunod na sama ng loob ni Mother Lily Monteverde sa ilang kasamahan sa industriya, pansamantala daw muna nitong iiwanan ang showbiz. Ibig sabihin, magla-lie-low ang Regal matriarch sa paggawa ng pelikula. Ito’y matapos i-disqualify ng MMFF sa pagsali sa awards night ang pelikula niyang Yeterday, Today and Tomorrow dahil sa ilang technicalities involved in filming of the Gabby Concepcion, Maricel Soriano and Carla Abellana movie. Diumano’y may nabago sa ilang iskrip na nauna nang in-screen ng MMFF committee sa finished product.

Anyway, going back to Mother Lily, sa ipinapagawa niyang resort sa Taal, Batangas muna siya maglalagi para makalimutan ang ilang taong nakasamaan ng loob.

Nauna na rito ang awayan nila ng talent manager na si Arnold Vegafria involving his talent Carla Abellana na dalawa ang naging entries sa nakaraang MMFF, ito ngang kontrobersiyal na YTT at ang Manila Kingpin: Asiong Salonga story.

Mukhang hindi pa nari-resolve ang tindi ng sama ng loob ni Mother Lily kay Arnold, or else, hindi nito itatali sa ABS-CBN, Star Cinema ang alaga niyang si Iza Calzado na balitang may gagawing project sa ABS. May ilan pang talent ni Arnold na sabi’y lilipat na rin sa Kapamilya.

***

AFTER the MMFF, napag-alamang hindi natinag sa unang puwesto ang “Enteng ng Ina Mo” sa loob ng dalawang linggong festival at pagtatanghal ng 7 kalahok sa MMFF 2011. Matatag din ang “Segunda Mano,” para sa 2nd topgrosser kaya’t nahaharap ngayon si Kris Aquino sa isang problema. that is, kung tutuparin niya ang binitiwang commitment sa mga press people na kaniyang napangakuan (lahat ng dumalo sa general presscon ng Segunda Mano) na kung maggo-gross ng P150M ang kanilang film ni Dingdong Dantes, reregaluhan niya ang members of the media ng isang grocery cart full of goodies mula sa kanyang endorsements mula sa Magic Sarap, shampoo, gatas, at maging gasoline tank, ireregalo niya sa mga napangakuan.

Well, knowing Kris, may palabra de honor ang actress-host. Sabi nga ng ilang malalapit sa kanya, kapag binitawan niya ang isang salita, gagawin at gagawin niya. Si Kris pa?

Ang tanong, kailan at paano niya maihahatid ang carts-of-goods sa halos 100 press people?

***

ISANG magandang balita sa mga tagasubaybay at tagapakinig ng mga programa dati ni Ms. Korina Sanchez noon dahil nagbabalik ang premyadong news anchor sa DZMM Teleradyo after two years of absence dahil sa personal na kadahilanan – ang pakikipag-isang dibdib nito sa dating senador Mar Roxas na nabigong makaupo bilang bise-presidente ng ating bansa.

Nag-start na last January 9, ang programang may pamagat na ngayong Rated Korina na mapakikinggan Lunes hanggang Biyernes, 9:45 to 11 ng umaga.

Kahit pa kabatuhan ni Korina Sanchez ang news anchorman na si Ted Failon sa ere, it’s still Korina’s program.

Wala naman kay Ted yon dahil halos magkapatid na ang turingan nilang dalawa years ago pa, lalo na noong magsama sila sa DZMM radyo.

Sa “Rated Korina,” mas tututukan ni Korina ang malalalim na kuwento ng buhay na si-yang kanyang expertise.

***

IPINAGMAMALAKI ng TV5 na nasa kanilang poder ang American Idol finalist na si David Archuleta.

Kung kay Sharon Cuneta ay nakapagbitaw ng P1B ang nasabing network, why not on David kahit na wala pa namang pruweba kung ganon pa rin ba siya kasikat kapag narito na’t gumagawa na ng programa sa TV5.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply