Nadia ‘no show’ sa hearing ng theft case na isinampa ni Annabelle

KALURKEY dahil ‘no show’ si Nadia Montenegro sa preliminary hearing ng kasong isinampa laban sa kanya ni Annabelle Rama.

Ang preliminary hearing ay ginanap sa tanggapan ng piskalya sa San Juan City.

Abogado lamang ni Nadia ang dumating habang present naman si Tita Annabelle

Sumipot ang abogado ni Nadia na kukuha ng kopya ng affidavit ng isinampa ni Tita Annabelle.

Nag-ugat ang kasong pagnanakaw na isinampa ni Tita Anabelle laban kay Nadia matapos na hindi umano ibinalik ni Nadia ang mga gamit sa bahay kagaya ng mga sofa, na hiniram niya sa nanay nina Ruffa G. at Richard G.

Hindi lamang sa kasong ito nagka-clash ang dalawa kundi mayroon pang iba gaya ng child abuse na ikinaso naman ni Nadia kay Tita Anabelle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply