Nag-amok na Bumbay utas sa misis

BUTAS ang dibdib ng isang Indian national nang pumutok ang baril na kanilang pinag-aawagan ng kanyang misis sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong tama ng bala ng 9mm pistol sa kanang bahagi ng dibdib ang biktimang si Pharmadel Singh, 43, residente ng Commonwealth Avenue, Barangay Commonwealth.

Nasa kustodiya naman ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) upang ipagharap ng kaukulang kaso ang asawa ng biktima na si Emalyn, 38.

Sa ulat na nakarating sa CIDU, naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng madaling-araw sa loob mismo ng bahay ng mag-asawang Singh.

Ayon sa pagsisiyasat ng CIDU, bago ito ay dumating ng bahay ang biktima na lasing na lasing at sa hindi malamang dahilan ay biglang nag-amok.

Bgila itong pumasok sa kuwarto ng kanyang mga anak na natutulog at nagbantang papatayin ang mga bata pero bago nito maiputok ang kanyang baril ay nahawakan ito ng kanyang misis.

Nagpambuno ang magasawa sa baril na hawak ni Singh at habang nag-aagawan ay bigla itong pumutok at tinamaan ang biktima sa dibdib.

Sa kasalukuyan, inaalam pa ng CIDU, kung sino sa mag-asawa ang nakakalabit sa gatilyo pero sa kanilang inisyal na pagsisiyasat ay maaring si Singh ang nakabaril sa sarili.

Si Singh kasi ang naglabas ng baril kaya malaki ang posibilidad na ito ang may hawak sa gatilyo at hindi ang kanyang misis. Robert C. Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply