Nag-upload ng Ramgen-Janelle sex video kayang tukuyin ng NBI

INIHAYAG ng National Bureau of Investigation na kaya ng ahensya na matukoy kung sino ang nag-upload ng sex video ng pinaslang na si n Ramgen Revilla at kasintahan nitong Janelle Manahan.

Ayon kay NBI Assistant Director Atty. Medrardo de Lemos, malalaman umano  kung kaninong computer na-upload ang sex video ng magkasintahan sa pamamagitan ng mga proseso ng kanilang Computer Division.

Gayunman, kailangan pa aniyang maghain ng pormal na reklamo ang pamilya ni Manahan sa tanggapan ng NBI upang may pagbabatayan sa gagawing imbestigasyon ng ahensya.

Sa kabila ng panawagan ni Senador Ramon “Bong” Revilla na imbestigahan ito ng NBI ay hindi pa naman ito nagsusumite ng formal request hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply