Nagnakaw sa mga gamit ng DOST, murderers– Montejo

MAITUTURING na murderers ang mga nagnakaw ng mga kable at limang piraso ng 12 volts batteries sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (DOST-PHIVOLCS) seismic relay stations sa Sto. Domingo, Albay nitong Disyembre 2011.

Ganito inihalintulad ni Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo ang ilang indibiduwal na walang habas na nanamantala sa mga gamit ng DOST-PHIVOLCS na ginagamit sa pagmo-monitor sa mga papasok na bagyo sa bansa.

“These unscrupulous individuals are not only thieves they could also qualify as murderers. By stealing cables of seismic sensors to sell for a measly sum, they jeopardize the safety and put at risk the very  lives of the people of Albay, their properties, as well as the resources of the province in the event of a major volcanic activity,” ayon kay Sec. Montejo na nagpahayag ng kaniyang pagkadismaya sa naganap na nakawan sa PHIVOLCS-Albay.

Base sa official report, ang seismic station ng DOST- PHIVOLCS sa Legazpi ay wala pang natatanggap na impormasyon o data mula sa dalawang relay station sa Munisipalidad ng Sto. Domingo mula noong Disyembre 14, 2011.

Sa pagsisiyasat ng team mula sa nasabing ahensiya, natuklasan nito na nawawala ang ilang metro ng mga kable na konektado sa seismic sensors mula sa unmanned relay stations at limang piraso ng 12 volts batteries.

Ang DOST- PHIVOLCS’ unmanned relay stations ay kumpleto ng seismic sensors at radio transceivers na naghahatid ng seismic data patungo sa PHIVOLCS central station sa Quezon City. Ang station na ito ay naghahatid ng mahahalagang impormasyon ukol sa seismic at volcanic activities sa lalawigan.

Ayon kay DOST- PHIVOLCS Director Renato U. Solidum, ang naturang insidente ay nakapinsala sa 50 porsiyentong pagkawala ng data transmission. “It is a good thing that Mayon Volcano is not active as of this time,” wika nito.

Idinagdag pa ni Solidum na nasa alert level 1 ang Mayon Volcano na nasa scale na 0-5, ay itinuturing na abnormal. “There were several volcanic activities that were monitored,” paliwanag ni Solidum.

Gayunpaman, igniit nito na ang naturang insidente ng pagkawala ng naturang kagamitan, bagama’t nagdulot ito ng pansamantalang disruption sa seismic data transmission, hindi ito naging hadlang sa normal na operasyon ng ahensya sa larangan ng volcanic at seismic monitoring. “The incident did not cripple Phivolcs because other relay stations in Albay are functioning efficiently,” saad pa nito.

Hinikayat naman ni Montejo ang mg residente na naninirahan malapit sa DOST weather and seismic forecasting and monitoring stations na maging listo sa pagre-report sa mga kahina-hinalang mga indibiduwal at mga gawi nito na makapipinsala sa kaligtasan ng mga tao.

“The safety of the people is our primordial concern, which is why the government is aggressively installing weather forecasting and other monitoring equipment like rain gauges and  water level sensors critical to monitoring flood prone areas,” dagdag pa ng kalihim.

Ngayong 2012, nakatakdang itayo ng gobyerno ang water level sensors at rain gauges sa lahat ng major river systems sa bansa bilang bahagi ng national flood forecasting, monitoring at mitigation program sa pangunguna ng DOST.

Inihayag ni Montejo, na ang nasabing nakawan sa DOST monitoring sa ginanap na interagency meeting sa national flood program na ipinatawag na Department of Public Works and Highways at dinaluhan ng Departments of Justice, Interior and Local Government, Social Work and Development, and the Environment and Natural Resources.

Kinumpirma ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ang DOJ na gagawin nila ang lahat kung paano mapoproteksyunan ang ganitong mahahalagang kagamitan sa local level at agad na maparusahan ang mapatutunayang nagnakaw nito.

Umapela din si Montejo sa mga komunidad at sa mga lider dito na tumulong sa pagbibigay proteksiyon sa mga pasilidad.

Nabatid na sinertipikahan na bilang ‘urgent’ ni Pangulong Noynoy Aquino ang panukalang batas sa Kongreso na magpapataw ng parusa sa nananamantala sa weather at disaster monitoring equipment ng DOST.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply