Nagpanggap na NBI agent natiklo

POSIBLENG maharap sa kasong usurpation of authority at illegal possession of firearms ang isang lalaki na umanoy tiwaling court clerk ng Sandiganbayan matapos itong mahulihan ng baril at magpanggap na ahente ng National Bureua of Investigation kagabi (Enero 23).

Nahaharap din sa patung-patong na reklamo ng kanyang mga kapitbahay sa Sampaloc, Maynila ang suspek na nakilalang si Philip Arwin De Villa.

Ayon sa report, inimbitahan sa presinto si De Villa matapos itong mahulihan ng baril at magpanggap na ahente ng NBI.

Bukod dito, napag-alaman na isa rin umanong court clerk ng Sandiganbayan ang suspek.

Inaalam naman ng pulisya ang tunay na pagkatao ng suspek at bineberipika pa ang baril na nakuha mula rito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply