Nagsawa sa ka-live-in, sa 2 anak naman nagpasasa

KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang magsasaka matapos ireklamo ng kanyang kinakasama ng panghahalay sa dalawa niyang menor de edad na anak sa Butuan City sa ulat ng pulisya.

Batay sa report na nakarating sa Camp Crame, inaresto ng awtoridad si Renante Felisan, 35, ng Brgy. Kinamlutan, nabanggit na siyudad, habang itinago naman sa pangalang Amor, 14 at Roma, 6 ang dalawang biktima.

Sa pagsisiyasat ng awtoridad, inihayag ni Amor na nagsimula siyang halayin ng kanyang amain noon pang Disyembre 2, 2009 noong siya’y 12-anyos pa lamang.

Itinago niya ang pangyayari dahil sa banta ng amaing papatayin silang mag-anak kaya mistulang sex slave siya ng suspek.

Napilitan namang magsumbong ang dalagita sa kanyang ina matapos malaman na pati ang kanyang 6-anyos na kapatid ay ginagalaw na rin ng suspek.

Pursigido naman ang ina na kasuhan ang suspek upang mabigyan ng hustisya ang kanyang mga anak.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply