NAIA Terminal 1, 2nd worst airport sa mundo

NAITALA bilang pangalawang pinaka-pangit na paliparan ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa buong mundo.

Batay sa pinakabagong listahan ng Travel Guide na Frommers, nasa ikalawang pwesto ang Pilipinas sa “10 Worst Airport Terminals” kasunod ng JFK International Airport sa New York, USA.

Ayon sa ulat, itinuring na isa sa “worst airports” ang NAIA Terminal 1 dahil hinihingan pa ang mga pasahero ng boarding pass at iba pang ID para lamang patunayang kanila ang mga kinukuha nilang bagahe sa paliparan.

Bukod pa rito, humihingi rin ang mga security guard ng ticket print-out bago payagang pumasok ng terminal.

Oktubre ng nakaraang taon nang ihayag ng travel website na Sleepinginairport.com na nangunguna ang NAIA Terminal 1 sa “pinaka-pangit na paliparan” kaugnay ng seguridad, kakulangan ng komportableng upuan, masusungit na staff at iba pa.

Nobyembre 2011 naman nang pumalo sa ika-limang puwesto ang NAIA Terminal 1 sa listahan ng CNNgo.com sa mga “pinaka-inaayawang paliparan” dahil sa maruruming banyo at sirang mga pasilidad. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply