Nakamamatay ang smog!

ILANG oras pagkatapos ang New Year’s revelry, dumilim nang todo ang kalangitan dahil sa usok na nagmula sa mga paputok at pyrotechnics.

Dahil zero visibility sanhi ng smog, nakansela ang paglipad at paglapag ng mga eroplano sa Ninoy Aquino International Airport.

Mantakin mo ang dulot na perwisyo ng smog. ’Di lang oras ang nasayang, milyong halaga rin ang nawala sa air transport business.

Dahil sa cancellation ng flights, naging isyu tuloy ang smog. Pinag-usapan at tinalakay ng media sa tulong ng mga expert.

Ayon sa Department of Health, delikado pala ang smog sa kalusugan natin. Kaya pinag-iingat ang lahat sa sakit na dulot nito. Ang smog na galing sa maruruming usok sanhi ng kemikal at nabubuo sa kalawakan ay nagdadala ng sakit na bronchitis.

Ang sakit na ito kapag ‘di agad nabigyan ng lunas ay nauuwi sa delikadong karamdaman at nakamamatay na pneumonia. Pinagmumulan din ito ng matinding atake ng hika kapag nalanghap ang smog – na kapag sumobra ay nakamamatay rin.

Ang pinakamatindi, ayon sa DOH doctors, ang smog kapag pumasok sa katawan ng tao ay nagiging sanhi ng kinatatakutang lung cancer.

Ang nabanggit nating mga karamdaman ay ilan lang sa masasamang epekto ng lumalala at kumakapal na smog sa kalangitan.

Ngayon, ano nga ba ang dahilan kung bakit dumadalas na nararamdaman at nakikita sa kalawakan ang salot na smog na ito? Ito’y dahil sa walang pakundangang paggamit ng mga tao ng mga bagay o kemikal  na nakakasira na sa Mother Earth.

Ang usok mula sa mga tu-matakbong sasakyan at pagsunog ng mga plastic ay nagdudulot ng masamang epekto sa kalawakan.

Ang paputok at pyrotechnics ay mga uri ng kemikal na kapag sinindihan at sumabog ay nagdudulot ng maruming usok.

Sa dami ng usok sa nakaraang  New Year’s celebration, naipon ito sa kalangitan kaya dumilim sa kapaligiran kaya nag-zero visibility.

Kung patuloy na mangyayari ito – ang mapuno ng smog ang kalangitan, aba’y saan paroroon ang bayan ni Juan.

Sa laki ng problemang idinudulot ng smog, kailangan tayong kumilos para sa kapakanan nina Mang Juan at Aling Maria.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply