Nakawan sa Asian Terminals Inc. at Pykes ng Shangrila

ANO na ang nangyari sa bilyon pisong nawawala d’yan sa Asian Terminals Inc. na pag-aari ni Juan dela Cruz?

Mukha talagang pinagtatakpan ng Bureau of Customs ang nawawalang libong container van d’yan sa loob ng ATI Laguna.

Iba pa ito, mga Bro, sa nawawalang 2 libong container van na dahilan kung bakit nasibak si Comm. Lito Alvarez.

Ito naman ang mga abandoned na kargamento sa Port of Manila na inilagak lang sa Laguna para hindi magsikip sa Maynila.

Simula palang sa pamunuan ni Comm. Nap Morales ay inuungkat na ng ULTIMATUM ang talamak na nakawan ngunit pilit itong ibinabaon sa limot ng pamahalaan.

SINO SI PYKES?

Base sa bulong ng ating uzi, isang kilala sa tawag na Pykes ng ATI ang may kinalaman sa nakawan ng mga abandonadong kargamento na sana’y pag-aari na ng pamahalaan.

Ito raw kasi ang may dikta sa lahat ng guwardiya ng ATI sa buong bansa kung kaya’t kayang-kaya nitong nakawan ang lahat ng Aduanang hawak ng ATI.

MUNTIK SUMABOG

Muntik nang sumabog ang isyu ng nakawan nang palitan si Comm. Morales sa Bureau of Customs kung kaya’t naalog ang pamunuan ng ATI.

Kasunod nito ay isang Kongresista ng Ways and Means ang kumalkal sa isyu kaya hatag naman kaagad ng tumataginting na P500M ang ATI huwag lang maiskandalo at matanggal sa kanila ang kontrata ng Aduana.

TAKBO ATULIN SI PYKES

Takbo naman atulin si Pykes para hindi sumabit ang kanyang pangalan at di na siya maimbestigahan ng  Kongreso sa mga nangyaring nakawan.

Magaling ang walanghiya!

NASAAN NA ANG MAGNANAKAW

Nagtatago raw ngayon sa Makati ang magnanakaw na si Pykes.

Sa isang malaking hotel daw ito ngayon nambobola at napaniwala naman n’ya ang management na magaling s’ya sa security.

He-He-He! Kaya pala naubos ang containers sa ATI.

INUTIL NA CUSTOMS

Noong isang taon ipinagbigay alam natin kay Comm. Ruffy Biazon ang ibinabaon na sikretong ito, pero hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring aksyon na nangyayari.

Ni hindi man lang binisita ni Komisyoner ang mga container na sinasabi natin sa Laguna.

MAGKANO NAMAN ANG CUSTOMS

Kung may nakinabang sa P500 milyon sa Kongreso,  matanong naman natin kay Dino Tuason kung magkano naman ang pinakinabangan ng Bureau of Customs!

At magkano naman ang nawala kay Juan dela Cruz?

Nagtatanong lang po!

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

MINANGA FOR SALE

Ganito ba ang gobyerno natin? Doon sa Cagayan Valley, for sale na ang malawak na lugar sa mga Koreano na may pera at gumagawa ng iligal na pagmimina. Ang mga pulitiko ibinenta ang mga bayan at mga barangay.
Ultimo barangay officials gusto rin matunaw ang lugar nila dahil sa pera. Mga buwaya at kurakot  katulad ni Valle ng Brgy. Minanga. Walang awa sa lugar niya, sakim sa pera, pareho ng mga aso niya. Nagmamalasakit lang po ako. Thanks. (+63906555….)

AGENCY ‘DI NAGPAPASAHOD

Hi sir, magandang hapon po. Ako po ay isang security guard  sa IN3COM SECURITY  AGENCY INC.  Ang address po ay sa JP Rizal St. cor. P. Burgos St. Makati Ave, Makati City. Pakikalampag naman po ang agency na yan. Wala pa pong pasahod at yung SSS ko po ay wala pa ring hulog. One year na po ako sa agency na yan, wala pa pong hulog ang SSS ko. Thanks  po… (+63946411….)

JUETENG SA CAMARINES NORTE

Pakikalampag naman ang Camarines Norte. Talamak ang jueteng, walang aksyon si Gov. Egay Tallado. Totoo ba na may weekly sila pati ang board members? (+63910432….)

PERA BA NI BINAY?

Ben Santos ng Pasay City. Pera kaya ni Binay ang ginagamit n’ya sa pag-iikot sa buong bansa ngayon para mangampanya na? (+63927714….)

MAHAL NA LANGIS TULDUKAN NA

Kung hindi matutuldukan ang Oil Deregulation Law,  masasabing inutil ang gobyerno ni PNoy. Ang batas na ito ang dahilan ng walang tigil na oil price hike at sumusunod din s’yempre ang prime commodities para makabawi. Kaya panahon na para gumising si PNoy. (+63939111….)

MGA ADIK SA PACO MARKET

Nananawagan po kami sa hepe ng Paco palengke. Hindi n’yo ba kayang palayasin ang mga adik na naglipana r’yan sa may karnehan? Nakatambay ang mga tulak ng shabu at foil.  Wala namang ginagawa ang mga yan. Ba’t hinahayaan niyo yan na magkalat ng lagim sa loob ng palengke? Kung hindi n’yo maaksiyunan yan, ipararating namin ito  sa mas nakatataas. (+63918235….)

PASIG BLUE BOYS

Mga Blue Boy sa Ligaya, Pasig walang kuwenta. Mga jeep na nagsasakay-baba ng pasahero sa gitna ng kalsada ay pinababayaan. Coding lang ang binabantayan nila kasi may pera. (+63929442….)

MGA ADIK SA BINANGONAN

Pakilagyan po sana ng ilaw ang mga poste sa lugar  namin dito sa Pila-pila, Pugad Kaligayahan, Binangonan Rizal. Tigilan ito ng mga adik kasi madilim. (+63905732….)

ATENSYON QC TRAFFIC BUREAU

Good pm, Sir, may reklamo lang po ako sa alley road namin sa Brgy. Bagong Silangan, QC. Kasi hindi po kaya ni kapitana yung mga sasakyang naka-park mula sa likod ng simbahan hanggang sa area 5 na nagpapasikip dito. Sana mabigyan n’yo ng aksyon. (+63920292….)

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring  itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply