Nakawan sa Asian terminals kakutsaba ang Customs

NAGKALAT na naman ang salapi sa Bureau of Customs para pagtakpan ang kaso ng nawawalang mga container sa Asian Terminals Incorporated.

Milyon-milyon ang ipinakakalat ng Asian Terminals Inc. sa loob ng Bureau of Customs para patayin ang imbestigasyon sa nawawalang mga kargamento na pag-aari na ng pamahalaan.

Ito yung mga kargamentong nakumpiska na itinago sa yarda ng ATI sa Laguna, na kanila namang pinapupuslit sa mga dorobo.

SINO ANG MASTERMIND?

Ang tumatayong Boss daw ng security noong laganap ang nakawan ay kilala sa tawag na Pykes.

Pero nang ating uzisain ay mayroon pa raw palang mas maasim dito na abogado na ang tawag naman daw ay Atty. Butcheke.

Matagal na raw alam nitong si Butcheke ng ATI kung ano ang nangyayari sa yarda pero patay-malisya lang daw ito. Bakit?

Ano ang pakinabang ni Atty. Butcheke sa laganap na nakawan sa ATI?

Hindi kaya siya ang missing link sa isinasagawang imbestigasyon ng BoC?

SINO ANG DAPAT MAG-IMBESTIGA?

Ginagawang gago ng Bureau of Customs at  ATI ang taumbayan. Yan ang paniwala ng ating uzi, makaraang makita nito ang sitwasyon ng mga nawawalang laman ng mga container.

Hindi ba’t dapat ay National Bureau of Investigation na ang nag-iimbestiga ng nakawan na ito dahil:

Una…Hindi na smuggling ang pinag-uusapan dito.

Pangalawa…Nakawan na ito na mismong tauhan ng bureau at ATI ang nagsabwatan.

Hindi din natin masabi, maaaring marami pang matataas na opisyal ng ATI at Bureau of
Customs ang kasabwat dito.

PALIT KARGAMENTO

Ang ganda ng modus operandi ng mga gagong dorobo dyan sa  ATI. Malaya nilang makukuha ang mga kargamento na nakumpiska ng gobyerno.

Tuwing Sabado at Linggo ang operasyon sa Laguna.

For example…may mga sapatos na mamahalin dito na kapag nakuha na nila ang laman ng mga container ay papalitan pa rin nila ito ng laman.

Lalamnan nila ito ng mga kahon na may bato at buhangin minsan naman kapag may hiya pang natitira ay pinapalitan nila ito ng mga sapatos na luma kapalit nung mga bagong nakumpiska.

GALAW NG ULTIMATUM

Inilapit na natin kay BoC Comm. Ruffy Biazon ang kasong ito pero mukhang kayang-kaya siyang paikutin ng mga gago d’yan sa loob ng Bureau.

Kung kaya’t sa kasalukuyan ay pinag-aaralan na ito ng abogado natin para sampahan ng reklamo ang mga tauhan ng Bureau of Customs at ATI sa NBI. Pramis!

He!He!He! Libong laman ng container ang ini-report sa ULTIMATUM ng ating uzi na nawawala d’yan sa ATI.

Pero base daw sa malapit nang ipalabas na report ng mga gagong nag-imbestiga d’yan sa BoC, hindi pa raw aabot sa laman ng 50 container ang nawawala.

Aba’y gago! Ginawa na namang tanga si Juan dela Cruz.

P500-MILYON NG WAYS AND MEANS

Inaasahang makukuha din natin ang atensyon ng mga kongresista partikular na ang Committee on Ways and Means.

Dahil pumutok na rin ang isyu na isa sa kanilang kasamahan ang tumanggap ng P500-milyon para mapagtakpan ang nakawan na ito.

JUN BALITA ANG GUMAGAPANG

Isang nagngangalang Jun Balita raw ang gumagapang sa loob ng bureau para maagapan ang lumalalang sitwasyon ng ATI sa nawawalang mga kalakal.

Pilit daw nitong pinababago ang imbestigasyon na sa halip na highly taxable items ang ilagay na nawawala ay palitan na lang daw ito ng mumurahing “bakal” na handa naman daw bayaran ng ATI.

EMPLEYADONG MAGNANAKAW

Ang papel ng ATI sa bansa ay para bang ito ang tumatayong empleyado ng Pilipinas na namamahala sa port operation ng mga dumarating na kalakal.

Ngayon… Nagkaroon ng nakawan na ang kakutsaba ay mismong  ATI. Tama ba na babayaran lang nila sa murang halaga ang mga nawala, then, piyesta na naman?

Kalilimutan na lang ba natin ang naganap na krimen?

Tabla, tabla na lang ba?

Kayo po ang humusga!

UZI TEXT

Text ng mga UZIserong buwisit na sa sistema.

Magandang araw po! Gusto ko lang ipahayag na ang Armed Forces of the Philippines ay parang ginawang experimental rat.

Kasi kapag hindi pumalag ang mga kasundaluhan, siguradong ipatutupad ng tiwaling mga nagretirong Heneral ang AFP Retirement Act of 2013 kung saan kinakawawa kaming mga maliliit.

Bakit po ginawa ito ni retired General Marayag ng Phil. Navy? Pumapapel lang ba siya o nagpapabango at the expense of the poor ordinary soldiers? Magaling talaga siyang gumawa ng maging kasiraan ng administrasyon ni PNoy. Kung tunay nga sila.

Payagan din nila itong suggestion namin na dapat pantay-pantay na lang tanggapin namin ang retirement benefits at pension.

Total pare-pareho rin lang naman kaming naging palamunin ng gobyerno. Isa pa mas lamang naman sila, Kasi habang active pa sila ay mas marami at malaki na ang naipon nila at nanakaw sa kaban ng bayan kaysa sa aming mga hamak na ordinaryong sundalo.

Kung puwede po sana tulungan n’yo kaming malaman kung ano ang tunay na nilalaman ng AFP retirement act.

Sana po ilagay niyo sa Front page niyo kung sakaling makakuha kayo ng kopya ng AFP Retirement Act of 2013 para na rin sa kinabukasan at kapakanan ng mga anak naming mga ordinaryo at mahihirap na sundalo. Kahit maliit na espasyo po lamang nang mapansin namin at makakuha na rin kami ng kopya mula sa mga pahina ng tabloid po ninyo. Maraming salamat po. +639269652015.

(Hayaan po ninyo at aaksyunan namin ito – ULTIMATUM)

oOo

Anomang reklamo o puna ay itawag o i-text sa 09214303333.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply