Nakayapak na deboto ng Nazareno puwede sa LRT

HANDANG-HANDA na rin para sa kapistahan ng Quiapo ang mga tren ng Light Rail Transit Line 1 upang i-accommodate ang mga deboto kabilang ang mga walang sapin na tsinelas sa paa .

Ayon kay LRT Administration Spokesman Hernando Cabrera, inaasahan na nila ang pagbuhos ng deboto na sasakay ng LRT sa Linggo (Enero 8) at Lunes (Enero 9).

“The LRT-1 is all set for Quiapo Day and  Feast of the Black Nazarene on 8-9 January 2012,” ayon sa twitter account ni Cabrera .

Bagama’t hindi naman naipaliwanag ni Cabrera sa kanyang twitter account ay sinabi nito na all set na ang kanilang operasyon, security at safety plans sa nasabing mga araw.

Dagdag pa ni Cabrera na pinapayagan din nilang makasakay sa tren ang mga naka-paa.

Wala rin aniyang nabago sa iskedyul ng biyahe ng kanilang mga tren.

Sa Linggo, ang unang biyahe ng tren ng LRT -1 ay aalis sa Baclaran nang alas-5:00 ng umaga at ang huling southbound train ay aalis sa Roosevelt patungong Baclaran dakong alas-9:30 ng gabi.

Sa Lunes naman ay aalis ang unang tren sa Baclaran patungong Roosevelt ganap na alas-5:00 ng umaga at ang huling biyahe ay aalis naman sa Roosevelt patungong Baclaran ganap na alas-10:00 ng gabi.

Inaasahan sa umanong bubuhos ang mga deboto sa Maynila ngayong weekend  para sa  Kapisatahan ng Itim na Nasareno. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply