Nambastos at nagtangkang mangikil sa utol ni Piolo arestado

ARESTADO sa isinagawang entrapment operation ng Parañaque police ang isang 28-anyos na lalaki na nagtangkang mangikil at nagpadala ng malalaswang mensahe sa kapatid na babae ng aktor na si Piolo Pascual sa Para♦aque City kagabi (Enero 10).

Nagsimula umanong magpadala ng mga malalaswang mensahe ang suspek na si Juan Paolo Carreon sa kapatid ng aktor na si Pamela Shoaf noon pang Disyembre 16 na hindi nalingid sa kaalaman ng asawa ng biktima.

Sinabi ni Chief Insp. Raymond Liguden, na siyang nanguna sa ginawang entrapment operation na bukod sa paghimok ng lalaki kay Shoaf na makipag-sex sa kanya, humihingi pa umano ang suspek na malaking halaga ng salapi.

Dahil dito, ipinasiya ng ginang at asawa nitong si Alvin na maghain ng reklamo sa pulisya matapos umakyat na umano sa P50,000 ang hinihinging salapi ng suspek.

Nagkunwari namang pumayag ang ginang na magtagpo sila ng suspek sa isang lugar sa Sucat Road kung saan siya nadakip nina Liguden kagabi.

Sinabi pa ni Liguden na nakuha ng suspek ang numero ng cellphone ng kapatid ng aktor sa kanyang asawang si Melanie na dating secretary ng asawa ng biktima.

Bukod sa kasong robbery with intimidation at unjust vexation, kinasuhan din ng pulisya si Carreon ng disobedience, resisting arrest at possession of illegal drug makaraang makuha sa kanyang bulsa ang isang sachet na hinihinalang naglalaman ng shabu.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply