Nambibiktima ng skater sa Makati nakilala sa FB

NATUNTON sa social networking site na Facebook ang pagkakakilanlan ng nambibiktima umano ng mga skater sa Makati City.
Modus operandi umano ng suspek na si Omar Tacorean ang magpapakilalang sponsor sa isang skating competition.

Bisperas ng Bagong Taon nang lapitan umano ni Tacorean ang isang nagngangalang Peter na nakatambay lang sa labas ng kanilang bahay nang magpakilala umanong Michael Galvez ang suspek pero nang masolo si Peter ay tinutukan bigla ng patalim.

Mismong kaibigan pa ni Tacorean ang nagmagandang-loob at ipinakita ang Facebook account ng suspek. Gusto na raw niyang matigil ang masamang ginagawa umano ng kaibigan.

Skater din daw si Tacorean at nagmamasid kaya alam niya ang bahay ng mga biktima.

Sa ngayon, nagpakalat na ang pulisya ng larawan ni Tacorean para agad itong mahuli. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply