Nanaksak ng parak, nabaliw sa kulungan

MISTULANG nawawala na sa sariling bait ang 26-anyos na lalaking unang dinakip ng mga barangay tanod dahil sa pagwawala at pag-eeskandalo sa lansangan matapos saksakin ng ballpen at agawan ng baril ang pulis na desk officer sa loob ng pinagdalhang presinto sa Makati City.

Unang kinasuhan ng alarm and scandal ng mga Bantay Bayan sa Barangay Palanan si Jah-Jah Sta Ana, ng FV Lelito St., Brgy Poblacion, San Ildefonso, Bulacan matapos magwala at mag-eskandalo noong Lunes ng alas-10:36 ng gabi.

Nang hindi dumating ang mga magrereklamo, ipinasya ng pulisya na pawalan na si Sta Ana subalit nang palalagdain na siya ng desk officer ng Police Community Precinct (PCP) 5 ng Makati police na si SPO1 Timmy Paul Espinola sa police blotter, ginamit niya ang hawak na ballpen at sunod-sunod na sinaksak sa ulo ang pulis.

Matapos ang pananaksak, tinangka pang agawin ni Sta Ana ang baril ng pulis at sa kanilang pag-aagawan ay pumutok ang armas na tumama ang bala sa ibabang bahagi ng katawan ng suspek.

Bagama’t sugatan, patuloy pa rin ang ginawang pag-atake ni Sta Ana sa pulis na nagawa pang damputin ang bentilador at inihataw sa ulo ni SPO1 Espinola

Napigil lamang ang pagwawala ng suspek nang umawat na ang iba pang pulis na nakatalaga sa naturang presinto.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply