Nang-hostage ng misis, kulong sa granada

KULONG ang isang mister matapos mahulihan ng granada makaraang i-hostage ang sariling misis sa Caloocan City kaninang madaling-araw.

Nakilala ang suspek na si Gider de Leon, 34 ng Alma Jose St., Camarin.

Sa ulat, alas-2 ng madaling-araw, katalo ng suspek ang misis na si Maria nang maglabas ng granada ang una at ihostage ang asawa.

Nabulabog ang mga kapitbahay at tumawag ng mga pulis kung saan nang respondehan ay sumuko na si Gider.

Inaalam na rin ng mga pulis kung may record sa pulisya si Gider habang inaalam ang pinagtatalunan ng mag-asawa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply