Nangyayari kay Corona dapat lang – Lacierda

IPINAMUKHA ng Malakanyang kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona na kasalanan niya kung bakit nasasadlak siya sa ganitong uri ng sitwasyon.

Sinabi ni Presidential spokesman Edwin Lacierda na walang ibang dapat sisihin si Corona sa nangyayari sa kanya kundi ang kanyang sarili.

“Conspiracy theory ignores reality and plain facts,” anito na ang tinutukoy ay ang akusasyon ni Corona na may tatlong personalidad ang nagtutulong-tulong para patalsikin siya bilang chief justice.

Inihayag ni Corona ang kanyang akusasyon sa talumpati nito sa kanyang supporters sa Supreme Court.

Hindi naman nito kinilala kung sino ang tatlong personalidad na tinutukoy niya na gusto siyang sipain sa puwesto.

Sinabi ni Lacierda na inihayag ng Department of Agrarian Reform na mismong ang Aquino administration ang nagsulong na ipamahagi ang lupain sa Hacienda Luisita sa tenant farmers nito.

Ang Hacienda Luisita ay sugar plantation sa Tarlac na pag-aari ng mga kamag-anak ni Pangulong Aquino.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Lacierda na ang isa pang alegasyon ni Corona kaugnay sa running-mate ni Pangulong Aquino at associate justice ng Supreme Court ay “go beyond being merely undignified.”

Samantala, sa pagsisimula ng impeachment trial sa Senado ay tinawagan ng pansin ni Lacierda ang taumbayan na huwag bitawan ang kaso ni Corona.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply