Nasabat na ukay-ukay ng BOC ibibigay sa ‘Sendong’ victims

IDIDIRETSO ng Bureau of Customs (BOC) sa mga sinalanta ng bagyong “Sendong” sa northern Mindanao bilang donasyon ang nasabat nitong ukay-ukay na tinatayang aabot sa P20 milyon ang halaga.

Kasabay ng desisyong ito ay nagbabala si Customs Commissioner Ruffy Biazon sa mga illegal smuggler na tiyak na makakalaboso ang mga ito kung magpapatuloy sa ipinagbabawal na gawain.

“I would like to start the year then with a sterm warning to smugglers not to mess with the Bureau of Customs or they will have their place in jail,” pagdidiin ni Biazon.

Ang nahuling iligal na kargamento ng “used clothings” na nasa limang 40-foot container van ay inangkat umano ng Heritage Asia International Products Trading Corp. at Global Welltrade Trading Co.

Ayon kay Biazon, sasampahan ng paglabag sa Section 2503 for Misdeclaration at Republic Act No. 4653 o ang pagbabawal sa importasyon ng mga gamit na damit ang mga may-ari ng nabanggit na dalawang kompanya.

Aniya, sa taong ito ay pag-iibayuhin ng BOC ang kampanya laban sa mga smuggler at bibilisan ang pagsasampa ng mga kaso sa korte laban sa mga ito.

Nabatid na idineklara ng Global Welltrade na P16 milyon ang halaga ng laman ng apat na container van habang P4 milyon naman ang nasa isa pa.

Ang mga ito ay naka-consign umano sa Heritage Asia.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply