Nasibak sa trabaho, bigo pa sa pag-ibig nagbigti

DAHIL sa labis na depresyon bunga ng mga problemang kinakaharap sa buhay ang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang 27-anyos na lalaki matapos magbigti sa kanilang bahay sa Quezon City kaninang umaga.

Wala nang buhay nang madiskubre ng mga kapitbahay ang bangkay ng biktima na si Manuel Osias III, 27, dating courier ng LBC at residente ng Barangay Escopa 4, Libis Proj. 4, QC.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 8:20 ng umaga na nakabigti gamit ang isang nylon cord na itinali sa isang nakalawit na bakal sa kinukumpuning parte sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Brgy. Escopa 4, Libis Proj. 4, QC.

Batay sa pagsisiyasat ng pulisya, huling nakitang buhay ang biktima bandang 10:00 kagabi habang nakikipag-inuman sa ilang mga kaibigan bago nagbigti.

Tantiya ng mga pulis na maaaring mga madaling-araw na nagpatiwakal ang biktima matapos makipag-inuman.

Tinitingnan ng pulisya na dahilan ng pagpapakamatay ng biktima ay ang pagkakatanggal sa kanyang trabaho sa LBC bilang courier may isang buwan na ang nakalilipas at ang pagpapakasal ng dating live-in sa isang Hapon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply