Nawawalang ebidensya vs GMA natagpuan na

NATAGPUAN na ang umano’y nawawalang original record sa preliminary investigation na naglalaman ng mga ebidensiya laban sa dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Arroyo.

Ayon kay Sandiganbayan Fourth Division executive clerk of court Atty. Joffre Gil Zapata, hindi sinasadya ng Office of the Ombudsman na ma-misplace ang mga mahahalagang court records kasama ang original record na sinasabing ebidensya laban kay Ginang Arroyo.

Paglilinaw ng anti-graft court, aksidente nilang naiwan ang mga dokumento sa docket section ng Sandiganbayan at ito ang dahilan kaya napagkamalan itong ebidensiya.

Kung maaalala, naging maugong na nawawala ang  mga dokumento makaraang maghain ng manifestation ang prosecution team para bawiin ang mga dokumento mula sa korte. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply