Nawawalang mister, kalansay na nang makita

KALANSAY na nang matagpuan ang isang lalaking may walong buwan nang nawawala sa Cebu, kahapon (Enero 23).

Nakilala ang biktimang si Reterson Geneston, 32-anyos ng Sitio Kalipayan, Lapu Lapu City ng kanyang misis na si Chrstine, 31-anyos sa pamamagitan ng damit na suot nito nang huli itong nakitang buhay.

Blangko naman ang pulisya sa kung sino ang pumatay kay Geneston pero sa ngayon ay nagkakasa na ng mas malalim na imbestigasyon para malaman kung sino ang nasa likod ng krimen.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, natagpuan ang kalansay ng biktima sa isang kagubatan sa Sitio Boat, sa Barangay Punta Engano, Lapu-Lapu City.

Ayon kay Christine, bago ang pagkakadiskubre sa kalansay ay nakatanggap ang kanyang kapatid na si Ofelia Felimina Bejildo ng isang tawag mula sa isang hindi nagpakilalang lalaki.

Sinabi ng mahiwagang lalaki kay Ofelia, na inilibing ang labi ng kanyang bayaw (Geneston) sa isang masukal na lugar sa Sitio Boat at ayon dito ay pinatay ito at isinilid sa sako matapos mapagkalamang nagnanakaw ng kambing sa lugar.

Dahil dito, dumulog si Christine sa awtoridad para mahanap ang lugar na pinaglibingan ng kanyang asawa na nagwakas sa isang malalim na libingan sa nabanggit na lugar

Noon pang Mayo 12, 2011 nawawala si Geneston matapos magpaalam na mangunguha ng mga panggatong sa nabanggit na lugar ngunit hindi na ito nakabalik sa kanilang bahay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply