NBI Director Gatdula nasibak

SINIBAK na sa serbisyo si National Bureau of Investigation (NBI) Director Magtanggol Gatdula matapos itong masangkot sa kasong extortion o pangingikil sa isang Haponesang kinilalang si Norijo Ohara, ayon kay Justice Secretary Leila de Lima.

Kinumpirma ni De Lima nag-file si Gatdula ng 30-araw na leave of absence simula Disyembre 15, 2012.

Walang binanggit ang kalihim ng Department of Justice tungkol sa kapalit ni Gatdula, ngunit nagpahayag ito ng pag-asang makakausap nang personal ang nasibak na direktor ng NBI ngayong araw.

Matatandaang ilang opisyal at ahente ng NBI ang inireklamo at kinasuhan dahil sa akusasyong sangkot ang mga ito sa pangingikil kay Ohara, na kinupkop ng pamilya Marzan sa Bulacan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply