NBI kumilos na sa Guarin slay case

KUMIKILOS na ngayon ang pamunuan ng National Bureau of Investigation- Sarangani-GenSan district office sa imbestigasyon ng kasong pagpatay kay Cris Guarin, dating reporter ng Bombo Radyo GenSan.

Inatasan na ni NBI regional director Atty. Lito Magno si NBI Sargen District Head Atty. Noel Morales na magsagawa ng parallel investigation sa Guarin slay case.

Kahit humiling ang asawa ni Cris na si Lyn na pagkatapos na ng libing ng tabloid publisher magbibigay ng pahayag, nagsimula na ang NBI Sargen sa pangangalap ng mga ebidensya at karagdagang impormasyon.

Ayon kay  Atty. Morales na makikipag-ugnayan din sila sa pamunuan ng Philippine National Police (PNP) para malutas ang kaso sa lalong madaling panahon.

Ipinakalat na ni Atty. Morales ang mga field agents para maghanap ng mga impormasyon para sa ikalulutas ng pamamaslang sa 42-anyos na media practitioner.

Kaugnay nito nakalikom ang local media ng P50,000 para sa reward money bilang pabuya sa sinumang makapagtuturo sa mastermind sa pagpatay sa tabloid publisher at radio blocktimer na si Cris Guarin.

Sa isinagawang pagtitipon ng local chapter ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) at National Union Journalist of the Philippines (NUJP), pinagkasunduan ang nasabing reward na naglalayong mapabilis ang pagresolba sa kaso.

Para sa grupo, maaari rin umanong lumitaw ang gunman para maging state witness sa kaso.

Umaasa ang local media na sa madaling panahon ay magkakaroon din ng resolusyon sa kaso at malaki aniya ang maitutulong ng naturang reward.

Kung matatandaan binaril at napatay si Guarin noong Enero 5 subalit hanggang ngayon ay hindi pa matukoy ang salarin sa nasabing krimen. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply