NBI officials, agent pinakakasuhan ng DOJ

PINAKAKASUHAN na ng Department of Justice ng criminal at administratibo ang ilang opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) dahil sa reklamong extortion.

Sinabi ni Justice Undersecretary Francisco Baraan III na naisumite na sa Malakanyang ng fact-finding team ang report sa reklamong pagdukot sa Japanese national na si Noriyo Ohara sa Pangasinan noong October 29, 2011.

Ang mga opisyal at ahente ng NBI partikular sa Security and Management Division ng ahensya ang nangikil umano ng P6 million kay Ohara kapalit ng kanyang kalayaan.

Tumanggi pa si Baraan na ibunyag ang pangalan ng mga taga NBI na inirekomendang makasuhan.

Una nang sinabi ni Baraan na maaaring makaapekto sa liderato ng NBI ang usapin.

Si NBI Director Magtanggol Gatdula ay nadawit sa usapin ng extortion at sumailalim na sa 30-day leave upang bigyan daan ang  DOJ investigation.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply