NDRRMC haharapin ang imbestigasyon sa flash flood sa CDO, Iligan

NANINDIGAN ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na kanilang haharapin ang mga ikinakasang imbestigasyon sa mga alegasyon na nagpabaya sila kaya maraming namatay sa nangyaring flash flood sa Cagayan de Oro at Iligan City nang humagupit ang bagyong “Sendong.”

Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, handa nilang harapin ang anumang isasagawang imbestigasyon para mapatunayang na hindi sila nagpabaya.

Iginiit ni Ramos, ipiprisinta nila ang record ng pagbibigay nila ng babala sa bawat bayan, lungsod, tanggapan ng pulisya at sundalo at iba pang ahensya ng gobyerno.

Batay sa rekord na hawak ng NDRRMC, nakasaad na Disyembre 13 pa lamang o tatlong araw bago mag-flash flood, nagpadala na sila ng babala. Nakasaad din dito ang oras ng kanilang pagpapadala at oras na natanggap ang kanilang babala.

Iginiit muli ni Ramos na ang Mayor ng Iligan City at Cagayan de Oro ang may malaking pananagutan dahil sa hindi pagpansin sa kanilang babala.

Idinagdag pa ni Ramos na handa siyang bumaba sa puwesto kung papalitan. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply