Negosyante todas sa riding-in-tandem sa Isabela

NASAWI ang isang negosyante makaraang barilin ng riding-in-tandem suspek sa Cauayan City, Isabela.

Nabatid na masusing iniimbestigahan ng mga pulis ang tatlong anggulo sa pagbaril at pagpatay kay Danny Acosta, 52, residente ng Sillawit, Cauayan City at may negosyo sa pag-aalaga at pagbebenta ng mga baboy at buy-and-sell ng mga sasakyan.

Kabilang sa mga anggulong iniimbestigahan ay may kaugnayan sa negosyo, iligal na droga at personal na galit.

Ayon sa imbestigasyon, nasa kanyang farm si Acosta nang barilin ng dalawang lalaki na lulan ng motorsiklo na agad tumakas matapos ang krimen.

Tinamaan tama ng bala mula sa caliber .45 sa kanyang mata ang biktima na tumagos sa bunbunan nito na naging sanhi ng agaran niyang pagkamatay.

Sa pagsusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakuha sa wallet ni Acosta ang ilang P500 bills at isang maliit na sachet na hinihinalang shabu.

Sinasabing maliban sa orihinal na misis ay mayroong ibang kinakasama si Acosta sa kanyang farm.

Hindi pa rin malinaw ang tunay na motibo sa pamamaslang.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply