Nene kritikal sa tama ng perdigones

NASA kritikal na kondisyon ngayon ang isang batang babae nang aksidenteng mabaril na may balang holen ng kanilang binatilyong kapitbahay sa Antique kaninang umaga.

Isinugod sa Aklan Provincial Hospital sanhi ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Lesley Joy Ortega, 9, at residente ng Sitio Bugtong Bukid, Poblacion Sebaste.

Habang hindi naman pingalanan ng pulisya ang suspek na nakabaril sa biktima dahil ito ay 13-anyos pa lamang na itinuturing na isang menor de edad pero nasa kustodiya ngayon ito ng Department of Social Welfare Development (DSWD).

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-8:30 ng umaga sa tapat ng tindahan ng nanay ng suspek.

Bago ito, nabatid na bibili sana sa tindahan ng nanay ng suspek ang biktima pero nang makita ng binatilyo ay kinulit ito at binirong babarilin ng kanyang dalang perdigones.

Sa hindi inaasahang pangyayari, nakalabit ng binatilyo ang gatilyo ng kanyang perdigones at sa kasamaang palad ay tinamaan sa ulo ang biktima. Robert C Ticzon

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply