Nets pinatid ng Heat

BALIK laro na ulit si Miami Heat star player LeBron James.

Nagpakitang gilas agad ang NBA’s leading scorer James sa laban nila kontra New Jersey Nets kanina sa 2011-12 National Basketball Association, (NBA) regular season.

Gumawa si James ng 32 puntos, siyam na assists at pitong rebounds upang tustahin ang Nets, 101-90 at manatiling nasa unahan ng Southeast division ng Eastern Conference na may 8-1 win-loss slate.

“If I feel like I’m good to go, then I’m going to go out and play my game,” sabi ni James. “I’m not going to give no restriction, just try to do the things I do out on the court and I was able to get a couple of breakaways, some easy points, get to the free throw line and I was able to test the ankle out in the first quarter.”

Nag-ambag naman ang bida sa huling laro ng Heat na si Chris Bosh ng 16 points, limang boards at tid dalawang assists at blocks.

Pangatlong sunod ng absent si Dwyane Wade dahil sa natamong injury sa kaliwang paa.

Umaga kanina ay wala pa rin desisyon si Heat coach Erik Spoelstra kung maglalaro ba o hindi si James hanggang sa makita nito ang kanyang alaga na nagpapakitang gilas.

“You could kind of tell after about halfway through, he took three alley-oop lobs and a 360. I think without even talking to him that kind of spoke to us in volume that he was ready to go,” ani Spoelstra.

Nanguna naman si Kris Humpries sa opensa ng Nets matapos magtala ng 25 pts. at 12 rebounds.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply