Nilampaso sa bentahan si Charice… Jinkee isang truck na magazine ang binili

PAKUYA-KUYAKOY lang si Charice Pempengco habang nakabalandra sa newstands at naka-display sa convenient stores ang magazine na siya ang pabalat. Wala siyang pakialam kung bumenta man ito o hindi. Tapos na ang kanyang obligasyon sa kanila.

Pero hindi sa kaso ni Jinkee Pacquiao kung saan ay isa rin siya sa naging cover ng isang fashion magazine. Masyado raw na-inspire si Mrs. Pacman. Sobrang saya niya sa naging resulta ng mga litrato niya na lumabas sa naturang babasahin. Satisfied siyang masyado. Kanya pa ngang ipinagtanggol ang kanyang sarili sa pangmamata ng iba na kesyo dinaan lang sa Photoshop ang mga kuha sa kanya. Aniya, hindi totoo ‘yun. Ika nga, what you see is what you get.

At dahil masyadong natuwa ang asawa ng Pambansang Kamao sa naging result nang kanyang ika-nth times na pag-cover ng kanyang face sa magazine, namudmod daw ng maraming kopya sa kanyang mga kaibigan ang huli. Baka nga raw umabot sa isang truck ang naipamigay nito dahil sa lakas ng benta nito. Sabagay, kayang-kaya niyang gawin ito, kahit isang barkong copies mani lang ito sa kanya. Suportado pa siya ng kanyang asawang si Manny. Ipinagtanggol siya nito sa mga pintasera.

***

Puro kamalasan ang dala-dala ng aktres

HINDI namin lubos maisip kung paanong hindi umabot sa unahang pwesto ang pelikulang ito na ginastusan ng milyon at puwede pang ihalintulad sa Hollywood film. Kung kailan ito gumanda nang husto saka pa ito humina sa takilya. Bakit nga ba nagkaganun?

Well, dapat nila itong isisi sa aktres na mataray. May balat yata ito sa pwet at panay semplang sa box-office ang mga pelikula nito, maging ang kanyang TV shows, teleserye, etc. ay waley sa rating. Pero ang nakapagtataka, wala na yatang nakikitang iba ang TV station na pinaglilingkuran nito kaya sa kabila ng kanyang mga kapalpakan ay siya pa rin ang binibigyan ng project.

Anyway, kung inyong naaalala, nakailang serye na ang sinasabi naming movie at lagi itong tumatabo sa takilya kahit ang leading-lady ng aktor ay hindi masyadong sikat, plus the fact na hindi pa masyadong maganda at malinaw ang special effects nito, still kumikita pa rin.

Ngayon, sikat daw ang hitad at nakabibilib na ang effects pero bakit hindi natupad ang expectation ng marami?

Sana hindi na kunin ulit ng mabait at mapagbigay na aktor ang babaeng ito. Sayang lang ang talent fee na ibabayad niya rito. Maghanap na lamang siya ng kahit hindi sikat basta good karma. ‘Yung hindi palaaway at hindi nantatapak ng kapwa artista.

***

Tinutukan at mainit na pinag-usapan maging sa Twitter….
Walang Hanggan’ nanguna sa TV rating

PINAKATINUTUKAN ng buong sambayanan ang pagbubukas ng kuwento ng pinakabagong Primetime Bida teleserye ng ABS-CBN na “Walang Hanggan” na nanguna sa national TV ratings noong Lunes (Enero 16) taglay ang 32.1%, ayon sa Kantar Media.

Wagi sa ratings ang teleseryeng pinagbibidahan nina Susan Roces, Helen Gamboa, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Julia Montes at Coco Martin kumpara sa 16.8% national TV rating ng kasabayan nitong bagong programa ng GMA na “Legacy.”

Bukod sa TV ratings, patok rin ang “Walang Hanggan” sa microblogging site na Twitter. Naging top trending topic sa Twitter ang programa, samantalanag pinag-usapan ‘worldwide’ sina Dawn at Susan.

Sa pagpapatuloy ng kuwento, tuklasin ang kahahantungan ng pag-iibigang mula sa tatlong magkakaibang henerasyon: ang ‘love triangle’ nina Virginia (Susan), Margaret (Helen), at John (Eddie Gutierrez); nawasak na relasyon nina Marco (Richard) at Emily (Dawn); at ang umuusbong na pag-iibigan nina Daniel (Coco) at Katerina (Julia).

Bubuo sa ‘powerhouse cast’ ang mga mahuhusay na artistang sina Rita Avila, Melissa Ricks, Joem Bascon, at Paulo Avelino; kasama pa si Joel Torre sa isang natatanging pagganap. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Trina Dayrit.

Patuloy na tutukan ang “Walang Hanggan,” gabi-gabi, pagkatapos ng “Budoy,” sa ABS-CBN Primetime Bida. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply