Ninakaw na pondo ng LTO sa special plate namadyik?

MUKHANG nahokus-pokus ang isyu ukol sa nanakaw na P140,000 na kita ng ahensiya sa special plates noong nakaraang taon nang bayaran ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) ang halaga.

Nalimas ng hindi pa nakikilalang mga suspek na pumasok sa plates section ng LTO Main Office sa East Ave., Queezon City ang pondo mula sa ibinayad ng mga nagpagawa ng special plates sa ahensiya noong unang quarter ng 2011.

Matapos ang halos iisang taon ay wala pang napaparusahan hinggil dito, ayon sa ilang insider ng LTO.

Kinukuwestyon din ng ilang LTO stakeholders kung bakit patuloy na tumatanggap ng bayad sa special plates ang tanggapan ni Leda Jose, hepe ng plate section ng ahensiya, gayong dapat ay sa cashier idinadaan ang lahat ng bayarin sa LTO.

Sa panahong iyon ay pansamamtalang umupo bilang OIC ng LTO si Atty. Racquel Desiderio dahil nakabakasyon noon si LTO chief Virgie Torres.

Ngunit pagbalik ni Torres ay nangako itong sa cashier division ng LTO babayaran ang kita mula sa special plates.

Sa kabila nito, magdadalawang taon na aniya ay hindi pa rin ito naipatutupad hanggang sa kasalukuyan.

Magugunitang ilang plaka ng “8” ang nanakaw at mga LTO stickers. Subalit hindi na nagkaroon ng follow-up inquiry ukol dito ang ahensiya.

Gayundin, nagpahayag ng pagka-alarma ang ilang nagtatrabaho sa LTO dahil sa mga naglalabasang kambal na plaka na hindi naman nabubusisi ng ahensiya.

Wala umanong aksyon ukol sa nabanggit na anomalya dahil sa kumbinsido ang pamunuan ng LTO na wala namang magkakalakas ng loob makialam ang sinumang opisyal ng ahensya o sinumang mula sa Department of Transportation and Communications (DOTC).

Wala umanong saysay na kwestiyunin ang mga ginagawa ni Torres, na kabarilan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.  ALEX CHING

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply