Helterbrand ‘di pa magreretiro

MAGANDANG balita sa mga Barangay Ginebra fans.

Ang kalahati ng Fast and the Furious tandem na sina Mark Caguioa at Jayjay Helterbrand ay patuloy pa nilang mapapanood sa susunod na mga laro ng Ginebra Gin Kings. Ito ay sa paniniyak ng management ng Barangay Ginebra na hindi pa magreretiro si Helterbrand.

Bukod dito, magiging karagdagan sigla sa Barangay Ginebra ang pagbabalik ni Rudy Hatfield at Chris Alexander sa kanilang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup na naka-iskedyul sa Pebrero 10.

Nakipagkasundo na si Helterbrand para sa bagong kontrata hanggang sa susunod na season.

Dito umaasa ang mga Barangay Ginebra fanatics na muling sisigla ang professional league dahil sa masasaksihan muli ang 2008-2009 Most Valuable Player matapos na magbalik ang dating galing na tinamong injury noong PBA Governor’s Cup.

Samantala, tiniyak ni coach Bethune “Siot” Tanquingcen na para iharap nila bilang import player sa Commissioner’s Cup si Chris Alexander na nakatulong sa Ginebra Gins na magkampiyon noong 2007-08.

Plano rin ni Tanquingcen na bigyan ng mahabang playing time sina Alain Maliksi at Rico Maierhoffer para ipakita ng dalawa ang kanilang kakayahan para sa ikatatagumpay ng Barangay Ginebra. Radito Torres

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply