NMIS magkakasa ng lingguhang pagsalakay sa mga palengke

NAGBANTA ngayon ang National Meat Inspection Service (NMIS) na mas paiigtingin ng kanilang Task Force Bantay Karne ang panghuhuli at operasyon laban sa nagkalat na “hot meats” sa lahat ng palengke sa Metro Manila at karatig lalawigan.

Sinabi ni NMIS Executive Director Atty. Jane Bacayo, na layunin ng programa na maprotektahan ang mga mamimili laban sa iba’t ibang mga sakit na makukuha sa mga kontaminadong karne.

Ani Bacayo target ng kanilang kampanya ang mga karneng hindi maayos na ibinibenta kabilang dito ang mga produktong frozen meats.

Ayon kay Bacayo, may paglabag aniya sa ilalim ng Administrative Order No. 22 of Department of Agriculture (DA) ang hindi maayos na pag-iimbak ng tindang karne.

Bukod sa kukumpiskahin ang mga karne, ay kakasuhan rin sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines ang sino mang negosyanteng mahuhuling lumalabag.

Sa kasalukuyan, nakakumpiska na ng may 14,000 kilo ng “botcha” ang NMIS-TF Bantay Karne sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply