Noranians ibo-boycott ang pelikula ni Pokwang

TOTOO kaya itong balitang umabot sa amin na hindi panonoorin ng mga Noranians ang pelikulang “A Mother’s Story”? May ilan kaming mga text message na natanggap na nagkaisa umano ang mga tagahanga ni Nora Aunor na hindi panonoorin ang movie dahil maka-Vilma Santos ito. As in, hindi nila nagustuhan ang linya ni Pokwang sa trailer, “Si Ate Vi nga ay binalikan ang kanyang anak eh, Vilmanian ako noh?!” Nakatatawa pero ganyan ka-sensitive ang mga fans ngayon ng Superstar lalo na’t balik-init ang rivalry ng dalawa.

Sa puntong ito, kawawa si Pokwang dahil tiyak na maapektuhan ang kita ng nasabing pelikula na nataong first solo movie ng komedyana. Binoboykot na nga ang movie, isa-isa pang lumabas ang mga negative publicity ng komedyana.

Tulad ng pagnanaknak diumano ng kanyang anit dahil sa madalas na pagbabago ng hairstyle sa “Happy Yipee Yehey!” Pati ang pagkaroon ng sentiments ng ilang press dahil sa pandedemanda nito sa mga text message ng mga ito ay muling naungkat.

Imagine, binabatikos siya sa kanyang hindi pagpunta umano ng simbahan dahil mas gusto nito na magdasal sa kanilang altar sa kanilang bahay.

Totoo kaya ang tsika na takot siyang pagkaguluhan? Kung totoo man ito, nakakalokah ang pantasya niya dahil tahimik ang mga tao sa kanilang pagdarasal sa loob ng simbahan. Saka, you can be in incognito para magampanan mo ang obligasyon mo sa Maykapal.

To the max ito, huh!

Maungkat din kaya ang balitang very unpopular siya ngayon sa Music Box Comedy Bar na kanyang pinanggalingan? Ang tsika, mula nang naging artista ito at sumikat ay hindi na niya sinisipot ang mga espesyal na okasyon ng nasabing comedy bar. As in, ayaw lumingon sa pinaggalingan? Whew!

Poor Pokie, maaapektuhan talaga ang kanyang pelikula lalo pa’t kauna-unahan niya itong solo movie. Kung tutuusin, wala namang kinalaman ang pelikula sa personal nitong buhay. Sabihin na natin na maraming hindi nagkakagusto sa kanyang pag-uugali at marami ang nagsasabing hindi sila natatawa sa pagkekengkoy nito but the fact remains, hindi nabawasan ng magandang production value ng pelikula.

Kawalan ito sa mga fans ng Superstar, ma-miss nila ang isang pelikulang nagtatalakay sa mga OFW at aminin na natin, karamihan sa kanila ngayon ay nagtatrabaho sa abroad bilang caregiver, domestic helper o naninirahan na rin sa ibang bansa to mention a few.

Di ba gumanap noon si Ate Guy bilang isang OFW sa isang stageplay na ‘DH’ at nadala pa ito sa ibang bansa? Sabihin na natin na magkaiba ang ginampanang papel nina Nora at Pokwang but the truth is, kuwento ito ng isang OFW na nagtrabaho na parang kalabaw para mabuhay ang kanilang mga mahal sa buhay. Each OFW has its own tale to tell.

Kasisimula lang kahapon, Linggo, January 8 ipinalabas ang A Mother’s Story, isang production ng TFC na pinagbibidahan din nina Rayver Cruz, Xyriel Manabat at iba pa.

Para sa amin, hindi dapat tayo magpaapekto sa hindi magandang pag-uugali ng isang artista, o ni Pokwang for that matter, dahil kung sino man siya personally, walang kinalaman ang pelikulang kanyang pinagbidahan.

Tayo din ang magiging loser in the end dahil maganda ang mensahe ng pelikula and every Pinoy should not miss it para malaman natin kung paano tinatrato ng mga amo ang ating mga mahal sa buhay na nagpapakahirap magtrabaho sa ibang bansa.

Speaking of the Superstar, hindi nakaalis ang Superstar as planned noong January 5 dahil may kailangan pang ayusin sa mga papeles nito.

Ayon kay Albert Sunga, na-reschedule ang pag-alis ni Ate Guy noong January 7 patungong Boston, USA. Sisimulan ang kanyang operasyon ngayong January 11 at pagkatapos, kinakailangan nitong magpahinga ng isang buwan bago muling sasabak sa trabaho. Dagdag pa, sisimulan ni Ate Guy sa kanyang pagbabalik ang pelikula nito sa Regal Films. Hindi ito ang pelikulang ‘Hototay’ na dapat ilalahok sa nakaraang MMFF 2011 kundi isa itong bagong pelikula na ang Superstar pa ang kumpirmadong artista.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply