Nowitzki gusto nang maglaro

SABI ni Dirk Nowitzki nasa kondisyon na siya at handa nang maglaro muli sa kanyang koponang Dallas Mavericks sa Lunes, Enero 30 (Linggo sa Amerika).

“Nowitzki has made progress.” ani Carlisle. “But I’m guaranteeing Nowitzki will play Sunday against San Antonio (Spurs).”

Tatlong sunod na larong nagpapagaling si star player Nowitzki sa kanyang natamong injury sa kanang tuhod at bukas ay hindi pa rin makikita ang pambato ng Mavs sa playing court laban sa Utah Jazz.

Nabigo ang defending champions Dallas sa Minnesota Timberwolves, 90-105 sa huling laro nila.

Tangan ng Mavs ang 11-8 win-loss slate kung saan ay nasa pangatlong puwesto sila sa Southwest division ng Western Conference.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply