Obispo lagapak ang grado kay Pangulong Aquino

BUNSOD ng malamyang pagtugon sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao o human rights violations sa bansa, binigyan ng bagsak na grado ng isang Obispo ng Simbahang Katolika si Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ayon kay Sorsogon Bishop Arturo Bastes, walang pinagkaiba ang nagaganap na extra judicial at political killings sa panahon ng diktaturyang Marcos sa kasalukuyang administrasyon lalo na sa pagpaslang sa mamamahayag at environmental advocates tulad ni Dr. Gerry Ortega.

Nanawagan din si Bastes sa pangulo na kung gaano sana kaseryoso si PNoy sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan ay maging ganoon din sana ito kaseryoso sa pagpapanagot sa mga lumalabag sa karapatang pantao kagaya ni retired general Jovito Palparan na pinaghahanap na ng batas.

“For me if I would to rate the President from 1 to 10, 10 is the highest, I would give him 5! dahil recently journalist and even radio commentator are killed at mga political person at mining activist napapatay din! I think the Aquino government will do something about the respect of life. Maybe he has a good intension but he had no control over it. Parang ang naganap noon sa panahon ni Marcos ay nagaganap pa rin ngayon,” ayon kay Bastes.

Kaugnay nito, hinamon din ng Obispo ang pangulo na bigyan ng katarungan at hustisya ang pagmasaker sa 15 mangingisda sa Barangay Sibago, Ajul, Basilan kahapon.

Ayon kay Bastes, dapat nang kumilos ang Pangulo dahil tila nagiging ordinaryo na lamang sa bansa ang paglabag sa karapatang pantao at kawalan ng respeto sa kasagraduhan ng buhay.

Giit niya, dapat patunayan ni Pangulong Aquino sa New York based Human Rights Watch na kumikilos ang kanyang administrasyon laban sa extra-judicial killings at human rights violations sa bansa at hindi totoo ang ulat na puro lang daldal at kulang sa gawa ang pamahalaan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply