Obrero grinipuhan ng 3 senglot sa Pasig

INARESTO ang tatlong lalaki makaraan umanong manaksak sa isang construction worker sa Barangay Bambang, Pasig City kaninang umaga, Enero 30.

Nabatid na papauwi na sa kanilang bahay ang lasing na si Bernard Pamorca nang makaalitan nito ang mga lasing din na magbabarkada na sina Michael Kalura, Bernard Palania at Jimmy Pistoner.

Ayon kay Pistoner, naunang nanapak ang biktima kaya sinaksak niya ito sa tagiliran nang matulis na gunting.

Kasalukuyang nakaratay at wala pang malay si Pamorca sa Rizal Medical Center habang nasa kustodiya na rin ng mga awtoridad ang mga suspek.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply