OFW nabaliw, ipinakulong sa Qatar

ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang ipinakulong ng kanyang amo sa Doha, Qatar matapos itong magkasakit at tuluyan nang mawalan ng katinuan sa pag-iisip.

Nabatid sa report na ang biktima ay nakilalang si Luzviminda Ong, domestic helper sa naturang bansa.

Kaugnay nito, nanawagan naman ng tulong sa pamahalaang Pilipinas ang kaibigan ng biktima na si Rita Agustin, tubong Iloilo at nagtratrabaho rin sa naturang bansa, na tulungang maiuwi sa bansa si Ong.

Ayon kay Agustin, nahihirapan umano ang biktima sa kanyang trabaho dahil halos wala itong pahinga at tulog.

Bukod pa rito ay hindi pa ibinibigay lahat ang kanyang buwanang suweldo kung saan US$400 lamang ang kanyang natatanggap.

Dahil dito, nagkasakit ang biktima ng tatlong araw at hindi nito napagsilbihan ang kanyang employer at umano’y nawalan ng katinuan sa pag-iisip kaya siya ay ipakulong.

Sinubukan naman umanong dalawin ni Agustin ang kaibigan ngunit hindi umano siya pinahintulotang makita si Ong.

Umaasa naman ito na matutulungan ng pamahalaan ang biktima upang maiuwi na sa kanilang bayan sa Binalonan, Pangasinan sa lalong madaling panahon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply