OFW sa China, nakaligtas sa parusang bitay

NAKALIGTAS sa parusang bitay ang isang overseas Filipino worker (OFW) na may kasong paglabag sa droga sa China.

Ang pagkaka-absuwelto sa OFW ay kinumpirma ni Foreign Affairs spokesman, Asec. Raul Hernandez, makaraang ibaba sa life imprisonment ang hatol ng Chinese officials sa OFW na si Richard Bianan ng Yaga Tulunan, North Cotabato.

Ayon kay Hernandez, ito ay batay na rin sa rekomendasyon ng Fuijan Provincial Jail Administration Bureau makaraang nagpakita ng magandang ugali at performance si Bianan.

Napag-alaman na si Bianan ay nabilanggo mula pa noong 2008 makaraang hatulan ng guilty sa kasong drug smuggling. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply