OFWs sa Syria pinauuwi na ng DFA

HINIKAYAT ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga overseas Filipino worker (OFW) na nasa bansang Syria na makiisa sa ginagawang repatration ng pamahalaan.

Ayon kay DFA spokesman Raul Hernandez, ngayong araw na ito ay nakatakdang makipag-usap si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa Syrian Foreign Minister para pakiusapan at humingi ng suporta para sa paglilikas ng 4,000 OFW na naroroon sa Syria.

Tiniyak naman ng DFA na may nakahanda silang pondo para sagutin ang sitwasyon at pambayad sa kanilang employers.

Ayon kay Hernandez, umaabot pa lamang sa 500 amg kanilang napapauwi noong buwan ng Marso noong nakalipas na taon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply