OFW sa Syria pinipigilan umuwi ng mga amo

MARAMI sa mga Pinay domestic helpers ang hindi makauwi sa kabila ng lumalalang tensyon sa Damascus Syria , dahil pinipigilan ang mga ito ng kanilang mga amo at ng kanilang mga agency na lisanin ang kanilang mga trabaho .

Sa isang panayam sa public service program ni Noli de Castro sa radyo, isang Pinay na nasa Damascus nakilalang si Gaddi ang umiiyak na nagbanta na kung wala ng magagawa para siya makauwi ng Pilipinas ay balak na niyang tumalon sa gusali ng kanyang pinaglilingkuran.

Desperado na si Gaddi na makauwi dahil sa takot sa nangyayaring gulo sa pook na kanyng kinalalagyan subalit ayaw siyng payagan makaalis ng kanyng amo at ayaw ding ibigay ang kanyang pasaporte.

Tinatakot umano si Gaddi ng kanyang amo na hindi na siya makakauwi at mabubuilok na siya sa Syria na nagdagdag sa kanyang takot at pangamba kung kaya’t tinawagan niya ang embahada ng Pilipinas sa Damascus subalit hanggang sa ngayun ay ‘di pa ito tumatawag sa kanya sa kung anong hakbang ang susunod na gagawin.

Isa pang Pinay ang nagsumbong na hawak din ng kanyang agency sa Damascus ang kanyang pasaporte at ‘di rin siya pinapayagang makauwi sa kabila ng tapos na ang kanyang kontrata rito.

“Walang uuwi,” ang banta ng agency sa tulad niyang domestic helper kayat wala siyang magawa dahil nasa agency ang lahat ng kanyang gamit.

Sinagot naman ni DFA Usec. Raul Hernandez ang mga pangamba ng mga OFW na hindi maka-uwi dahil sa kawalan ng pasaporte na pumunta lamang sa embahada ng Pilipinas sa Damascus at iisyuhan sila ng mga kaukulang travel document upang magamit sa paglipad pauwi ng Pilipinas. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply