Ogie Alcasid at Regine Velasquez okay kung masundan agad si Baby Nate

SUPER happy ang mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez nang dumating sa presscon ng kanilang nalalapit na concert sa February 14, 8 p.m. sa Araneta Coliseum. Kasi unang-una nilang isinama si Baby Nate sa presscon na pinagkaguluhan ng entertainment press at photographer. Guest sa Valentine show sina Dingdong Dantes, Vice Ganda, Erik Santos, Angeline Quinto. Darating din sa show sina Michael V, Moymoy Palaboy, Boy Pick Up, the very talented and beautiful Sam Pinto at iba pang kasamahan ni Ogie sa Bubble Gang.

Dahil more than two months na ngayon si Baby Nate, malaki na siya ngayon at di tulad nang ipinananganak na tumimbang lang ng 4.4 pounds. After two months, lumaki na siya at 9 pounds na kaya masarap hawak-hawakan.

Dahil mahigit dalawang buwan na ang baby, binibiro ang mag-asawa kung susundan nila agad ang kanilang baby. Positive agad ang sagot ni Regine, “Basta para sa akin ay blessings si Baby Nate.”

Kaya kung may dumating na bagong baby pa sina Ogie at Regine, malugod nilang tatang gapin. Ibig sabihin ay wala sa vocabulary nila sa ngayon ang family planning.

Mas happy si Ogie sa anak nila ni Regine na si Baby Nate dahil lalaki ito at makakaaro niya ang anak sa mga larong panglalaki. Pero nanghihinayang sa panahon si Ogie dahil sa 44 years old na siya. Sa panahong aktibo sa basketball ang anak ay 60 years old na siya at di na gaanong makatatalon.

Priority niya ang pag-aalaga rito kaya nga hindi pa siya puwedeng lumabas sa Party Pilipinas o tumanggap ng soap opera.

“Magiging puspusan ang pagpapayat ko kapag nagda-diet na ako. Iyan ang dahilan kaya di pa ako makalalabas sa Party Pilipinas. Pero dahil may concert kami ni Ogie, ang Mr. and Mrs. A, sa Araneta Coliseum, lalabas ako sa Party Pilipinas para mag-promote ng concert.”

000

SA February na ang graduation ni Bianca King sa College of St. Benilde sa kursong Filmmaking. Magandang gift sa pag-graduate niya ang bagong soap niyang “Broken Vow,” kung saan siya ang solo leding-lady rito kasama sina Luis Allandy, Gabby Eigenmann at Rochelle Pangilinan.

Matagal nang inaasam ni Bianca ang magtapos sa kolehiyo. Pinaghirapan niya ito nang husto sa loob ng pitong taon. Hindi siya makapag-full load sa school dahil busy sa siya sa showbiz.

Naging influence kay Bianca na magtapos ng kolehiyo ay ang kanyang mga magulang. Gusto nilang kahit kumikita na nang malaki sa showbiz ang anak, gusto pa rin nilang may natapos sa kolehiyo ang anak. Hindi naman daw pinigilan ng parents ni Bianca ang kanyang pag-aartista dahil hilig ng anak ito as long as nag-aaral pa rin siya.

Anyway, bagong paghamon kay Bianca ang role niya sa Broken Vow dahil madrama ang tagpo niya rito dahil may pinagdaraanan siya na hindi maganda. Tutulong sa kanya para makalimot si Luis.

Ang afternoon soap ang GMA-7 ay ididirek ni Gil Tejada at ipalalabas simula sa Feb. 6.

000

HANGA si Direk Ricky Davao kay JC Tiuseco buhat nang ma-handle niya sa rating soap ng GMA-7 na “Sisid” na nasundan pa ng “Kokak” na ngayo’y malapit na ring matapos kung saan bida si Sarah Lahbati at leading men niya sina JC at TJ Trinidad.

Nang nakausap namin sa set ng Kokak si Direk Ricky, very positive siya sa ipinakitang improvements ni JC sa acting sapul na ma-handle niya. Nakita pa ni Direk Ricky na in spite na kakaopera lang sa tuhod ang actor, hindi nito alintana kung may nararamdaman pa siya basta’t huwag lang sumabak sa takbuhan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply