OIC ng NBI itinalaga ngayon

ITINALAGA na ngayong araw ng Department of Justice bilang Officer-In-Charge ng National Bureau of Investigation (NBI) si Nonnatus Caesar Rojas.

Si Rojas ay isang prosecutor mula sa Region 1 at tubong Vigan, Ilocos Sur.

Siya ang napiling pansamantalang uupo sa iniwang puwesto nang nasibak na si dating NBI director Magtanggol Gatdula matapos na masangkot ito sa kasong kidnapping at extortion sa isang undocumented Japanese na si Noriyo Ohara

Nitong nakalipas na mga araw, inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima na may tatlong pangalan na inilagay niya sa shortlist ng mga maaaring pumalit kay Gatdula na isinumite niya kay Pangulong Benigno Aquino III.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply