Oil price hike ikinasa na rin ng iba pang oil companies

MAKARAANG manguna ang kompanyang Eastern Petroleum sa pagtataas ng presyo ng kanilang produktong petrolyo, sumunod na rin ang iba pang mga kompanya sa pagtataas ng halaga ng kanilang produktong petrolyo.

Gayunman, sa halip na sundan ang big time oil price hike na ipinatupad ng Eastern Petroleum, P1 kada litro lamang sa gasolina, diesel at kerosene ang sabay-sabay na ipinatupad ng Petron Corporation, Total, Chevron Philippines, Flying V at pinakahuling nag-anunsiyo ng kahalintulad ding halaga ang Pilipinas Shell.

Magugunita na nagpataw ng karagdagang P1.75 kada litro ng gasolina ang Eastern Petroleum at P1.50 sa diesel na epektibo kaninang hatinggabi.

Tiniyak naman ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) na magsasagawa sila ng mga kilos protesta sa harapan ng tanggapan ng mga dambuhalang kompanya ng langis sa Makati city upang kondenahin ang hindi makatarungang pagtataas sa presyo ng petrolyo.

Sinabi ni Piston national president George San Mateo na wala pa namang kaguluhan sa Gitnang Silangan dahil sa patuloy pa naman ang biyahe ng mga barko ng langis kaya walang dahilan para magtaas agad-agad ng presyo ng langis dito sa Pilipinas.

Idinugtong niya na binabalangkas na nila ang ikakasang tigil-pasada sa oras na hindi pa rin aksiyunan ng pamahalaan ang walang patumanggang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply