Oil price hike pinababantayan sa DOE

MAHIGPIT na pinababantayan ng Malakanyang sa Department of Energy (DOE) ang paggalaw ng presyo ng langis kasunod ng pag-amin ng kagawaran na may kaugnayan ang pagtataas ng krudo sa kaguluhan sa Iran.

Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, bagama’t nakuwenta na ng mga oil company ang mga nararapat na pagtaas, kailangan pa rin umanong matiyak ng pamahalaan na tama ang naturang komputasyon.

Pinawi naman ni Lacierda ang pangamba ng publiko sa harap ng ulat na bahagi ng plano ng DOE ang pagrarasyon ng mga produktong petrolyo.

Ayon kay Lacierda, may ginagawa ng mga hakbang ang pamahalaan para maibsan ang matinding epekto ng kakapusan ng suplay ng langis dahil sa kaguluhan sa Iran. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply