Oil profit cap bill ipasa na – Sen. Trillanes

SA kabila ng isinasagawang impeachment trial sa Senado, nanawagan si Senador Antonio Trillanes IV sa Kongreso na ipasa na ang panukalang batas na naglalayong maglagay ng limitasyon sa kita ng mga kumpanya ng langis at patawan ng buwis ang sobra-sobra nitong  tubo sa pamamagitan ng windfall profit tax.

“With the oil prices continuously increasing almost on a weekly basis, the government is virtually helpless in checking the apparent abuses of petroleum industry players in increasing and in refusing to decrease prices of petroleum products even when warranted by market forces. This is aggravated by the lack of transparency in the formula used by petroleum companies in order to arrive at their prices,” ani Trillanes.

Ang panawagang ni Trillanes ay kasunod ng apela ni Energy Secretary Jose Almendras sa Kongreso na magpasa ng isang price control law na magtatakda ng tamang tubo para sa mga oil companies.

Ito ay makaraang akusahan ng mga transport lider ang mga oil companies na ginagamit nito ang tensyon sa Middle East upang manlamang.

Ang panukalang Senate Bill 2529 ni Trillanes ay naglalayong magtakda ng profit level sa mga oil companies na hindi lalagpas ng 12% sa kanilang puhunan kada taon. Ang kitang lalagpas dito ay papatawan ng buwis sa pamamagitan ng windfall profit tax depende sa tubo.

“The imposition of such is a mode of recouping the excess profits of these companies at the expense of the public and redistributing the said excess profits to the public in the form of public services,” paliwanag ni Trillanes.

Iginiit ni Trillanes, ang naturang panukala ay kasing-halaga ng nagaganap na impeachment trial para sa taumbayan kaya umaasa ito na makakahanap ng panahon ang Kongreso para talakayin ito.

Naniniwala ang senador na sa panukalang batas ay mabawasan ang labis na katakawan ng mga oil company at maiibsan ang hirap ng mamamayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply