Oil spill pinangangambahan sa sumadsad na light craft vessel

TINIYAK ng Philippine Coast Guard (PCG) na maliit ang posibilidad na magkaroon ng oil spill sa sumadsad na isang light craft vessel sa Lingayen, Pangasinan.

Ito ay matapos na mangamba ang mga residente sa Brgy.Malempec ng nasabing bayan na maaring maapektuhan ang kanilang pamumuhay.

Ayon kay PCG spokesperson Lt.Cmdr. Algier Ricafrente, nagsagawa na ng inspeksyon ang PCG-Pangasinan upang masiguro walang tatagas na langis mula sa nasabing sasakyang pandagat at hindi magdudulot ng kapahamakan sa lugar.

Nabatid na ang nasabing foreign vessel ay pag-aari ng Singer Genesis Investment Limited at nakatakda sanang magkarga ng black sand na dadalhin naman sa China ngunit ito ay sumadsad ngunit hindi ito natuloy dahil sa pagsadsad.

Kaugnay nito, pansamantala namang nasa pangangalaga ng LGU Agno ang mga tripulante ng nasabing foreign vessel habang hindi pa nakikipag-ugayan ang may-ari nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply