Oil spill sa lumubog na barko hirap matukoy ng PCG

HINDI pa rin matukoy ng Philippine Coast Guard (PCG) kung may langis nang tumatagas mula sa lumubog na M/V Sun Spirit sa lalawigan ng Catanduanes.

Aminado si Capt. Felipe Macababad, deputy commander ng PCG sa Legazpi City, nahihirapan silang matukoy kong mayroon na ngang oil spill dahil magalaw ang tubig at mataas ang alon sa karagatan.

Gayunman, nagpadala na rin ang PCG ng environmental team at oil spill team upang alamin kung totoo ang natanggap na balita.

Sinabi ni Macababad na nakaalerto pa rin sila at patuloy pa rin ang kanilang pagkumpirma sa ulat na may oil spill na sa pinaglubugan ng barko upang maagapan na kumalat pa ito at makarating sa mga baybayin at protected area.

Nabatid na 290,000 litro ng banker oil ang karga ng lumubog na barko bukod pa sa 36,000 litro ng krudo.

Samantala, ang maliliit na bangkang pangisda ay pinagbawalan namang maglayag kasunod ng ibinanderang gale warning ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA). Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply