OMB chair kay Llamas: Maging mabuting halimbawa

“MAGING mabuting halimbawa.”

Ito ang ipinayo ni OMB Chairman Ronnie Ricketts kay Presidential Adviser on Political Affairs Ronald Llamas kaugnay sa isyu na tumatangkilik ang huli ng mga pirated DVDs.

Sinabi ni OMB Chairman Ronnie Ricketts, na mas lalong mahihirapan ang gobyerno na ipatupad ang batas kung mismong mga matataas na opisyal nito ang lumalabag dito.

Batay sa ulat, nakuhaan ng litrato si Llamas na bumili pirated DVDs sa isang stall sa Circle C mall sa bahagi ng Congressional Avenue, Quezon City, noong Lunes ng gabi.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot ang pangalan ng opisyal sa isang kontrobersiya.

Magugunitang noong nakaraang taon, nadiskubre sa sasakyan nito ang isang Czech-made tactical semiautomatic assault rifle.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply