OMR napipisil gamitin para sa 2013 polls

MAY napipisil na ang Commission on Elections Advisory Council (CAC) on automation na teknolohiya na maaaring i-adopt ng Comelec para magamit na pamamaraan ng computerized voting para sa 2013 midterm elections.

Ayon kay Comelec Commissioner Armando Velasco, nais ng CAC na gamitin ang optical mark reading (OMR) technology sa halalan sa susunod na taon ngunit kinakailangan muna itong aprubahan ng Comelec en banc.

Nabatid na naisumite na ng CAC ang kanilang rekomendasyon sa steering committee para sa 2013 polls ng poll body na pinamumunuan ni Commissioner Lucenito Tagle at tinatalakay na ito sa ngayon.

Posible naman aniya itong matalakay ng Commission en banc sa susunod na linggo.

“The CAC has submitted its recommendation, and it’s OMR. Remember that the Precinct Count Optical Scan machines used OMR in the 2010 elections,” ani Velasco. “It’s being discussed in steering committee. Maybe next week we can discuss it in the en banc,” aniya pa.

Hindi naman na nasurpresa si Comelec spokesperson James Jimenez sa desisyon ng CAC at malaki umano ang pag-asa na tanggapin ng mga commissioner ang OMR. Kyle Gatus

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply